Hiniling ni Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles sa Philippine National Police, partikular sa National Police Commission (NAPOLCOM), na ilantad sa publiko ang isang listahan ng mga kaso na sangkot ang mga pulis sa nakalipas na ilang taon at sa kasalukuyan.
Partikular na binanggit ni Nograles ang nakaraang pagkakasangkot ng dalawang pulis-Quezon City na sina SPO4 Jose dela Pena at PO2 Resty Del Rosario sa pangongotong sa anak ni NCRPO Chief Superintendent Leonardo Espina.
“Ito ang isang pangyayari na maituturing nating Divine Providence, isang blessing in disguise. Kung ang tinangka nilang kotongan ay isang ordinaryong tao, hindi ito mapapansin ng media at ng taumbayan,“ ani Nograles.
Dismayado si Nograles kung bakit nanatili sa tungkulin si Dela Pena kahit kalahating dosena ang kinakaharap nitong administrative complaints mula pa noong 2006.
“Bakit nasa serbisyo pa ito. How many like him are still in service and continue to degrade the PNP in the eyes of the public. If you ask ordinary citizens, they would readily express their distrust on those in uniform,“ aniya. – Bert de Guzman
Basahin dito http://www.balita.net.ph/2012/09/listahan-ng-tiwaling-pulis-ilantad/